Wednesday, July 28, 2010

POST 0013

July 29, 2010
6:06 a.m. Manila Time

TAGALOG:
Marami sa inilabas ko dito sa aking BLOG ay galing sa ibang tau at kinopya lamang. Ni hindi aku talagang nag-react o nag-komento ng husto sa mga ito. Hindi ko rin talaga sinuri ang mga ito. Ipinakita ko lamang ang mga uri ng babasahin na dapat nabasa, naunawaan at natandaan ng aking bumabasa upang maunawaan niya ang aking
"kahulugan" o ang takbo ng aking kaisipan. Karaniwan kasi ay kailangan ng malawak na KONTEKSTO upang maintindihan o maunawaan ang mga pahayag o sinasabi ng isang tau. Kahit yung baliw kung mauunawaan ang BACKGROUND o konteksto ng pinagsasasabi nito ay malamang na may katuturan naman. Aku nga ay nakikipag-usap sa isang masasabing may
SAYYAD subali't mas nais ko siyang kausapin kaysa sa ibang matitinong taung nakapaligid sa kanya na wala namang alam at wala akung matututunan. Marami talaga siyang nalalaman na pinag-sikapan niyang alaming mag-isa at sa tingin ko ay medyo sumayad nga sa sobrang katalinuhan o dami ng naisip. Kung marunong ka lang sumakay ay marami kang matututunan sa kanya na hindi mo makukuha sa pagbabasa ng aklat o kahit sa pakikipag-usap sa matino! Ang delikado lang sa mga taung may TRA-LA-LA (kagaya ni SISA na ina nina Crispin at Basilio sa nobelang NOLI ni Rizal) ay yung may sayad na medyo bayolente a la JOHN DOE BALL CROST na sinusuotan na ng strait-jacket! (Kaya pala paborito niya ang curved jackets, eh!) Mayroon nga akung malayong
kamag-anak na nakapag-asawa ng may sayad (Hindi kadugo namin kundi yung napangasawa ng kapamilya namin ang may sira.) Wika daw nito: "All geniuses are mad but not every one who is mad is a genius." O lahat daw ng henyo/genio ay sira ang ulo pero hindi lahat ng sira-ulo ay henyo/genio. [Ang nasabing pahayag ay mainam na panimulang
talakayin sa larangan ng LOHIKA. Gamitin ang 1ST ORDER PREDICATE CALCULUS upang isimbolo ang pahayag, at suriin ang resulta. Maaari pang talakayin ang tinatawag na NECESSARY & SUFFICIENT CONDITIONS. Mahalaga kasi ang LOHIKA upang mabigyang linaw ang pinagsasasabi ng isang tau dahil may mas malalim na pakahulugan ang isang pahayag na hindi makukuha agad sa unang pagsipat o pagdinig dito... At ang tunay na may sayad ay wala nang lohika ang mga pinagsasasabi...

Bilang review sa mga ipinaglalagay ko dito:
-Una kong post ay yung kulang ang pera ko at sinimulan ko ang BLOG na ito sa presyong PP10. Bumati lang aku ng pagsalubong sa bumabasa.
-Ikalawa ay ini-upload ko ang LYRICS ng pambansang awit ng Pilipinas sa wikang Inggles (na mas nauna!) at sa wikang Tagalog. Marahil ay ididikit ko dito yung talagang wastong tugtog/tiyempo/tono nito na MARTIAL MUSIC. Medyo mabilis at hindi kagaya ng tinutugtog at inaawit ng mga bumibirit nating stariray songers sa mga boxing events. Siguro sa ibang pagkakataon o sa ibang BLOG ay tatalakayin at ipaghahambing ko ang iba pang MUSIKANG MAKABAYAN o national anthems ng ibang bansa. Kailangang aminin ko na PANGATLO (3rd) lamang ang ating pambansang awit sa pagandahan. Op kors, subjective judgment na ito...
-Sunod-sunod kong inilagay ang iba-ibang sinulat ng mga kilalang tau hinggil sa kasaysayan ng kapuluang ito. Patungo na aku mula sa nasyonal o lokal papunta sa rehiyonal at maging internasyonal o global na antas. Hindi kasi maiintindihan ang mga kaganapan sa isang lugar kung hindi mauunawaan ang iba pang mga kaganapan sa mas malawak na kinalalagyan nito. Dalawang perspektibo ang kailangang sipatin: LUNAN/LUGAR at PANAHON (time & place), Heograpiya at Kasaysayan... Sa pangkalahatan ay binibigyan ko ng pakahulugan ang kasaysayan ng kapuluang ito ayon sa aking mga natutunan at pinaniniwalaan na tutoo.

Subali't iisang katanungan lang talaga ang kailangang paka-alalahanin ng bumabasa: ANO ANG TUTOO O ANG KATOTOHANAN? - hinggil sa Pilipinas, sa mga Pilipino, sa kasaysayan atbp.

ENGLISH:
Most of the writings in this my BLOG came from other people & were simply copied & pasted. I did not really react or comment on these. Nor did I analyze these. I just wanted to give my readers an idea of the genre of reading materials that they should have read, understood & remembered for them to understand my "meaning" or the train of my thoughts. Normally, one needs to understand the broader CONTEXT in order to grasp the statements of a person or what she is saying. Even with a crazy person, if one understands the BACKGROUND or context of what he is saying, then his statements might make sense. I myself converse with somebody who can be considered SAYYADific but I prefer to talk to him instead of other normal people around him who do not know anything & from whom I won't learn anything. He really knows a lot of things that he learned all by himself & I believe he went nuts due to extreme intelligence or information overload. If you know how to handle him, then you will learn a lot from the person that you won't get from/by reading books or talking to ostensibly sane people! The dangerous ones among those afflicted with TRA-LA-LA (like SISA,
Crispin & BasilioS's mother in Rizal's novel NOLI) are the violent ones who require strait-jacket!(No wonder JOHN DOE BALL CROST's favorite outfit are curved jackets!) I myself have a distant relative who got married to a crazie (I am not related by blood to the nut but to her husband.) She stated once: "All geniuses are mad but not every one who is mad is a genius." [This particular statement is an excellent introductory topic in the field of LOGIC. One may use 1ST ORDER PREDICATE CALCULUS to symbolize the statement & analyze the resut. One may also discuss so-called NECESSARY & SUFFICIENT CONDITIONS. LOGIC is important in clarifying the statements of a person because a statement may contain something more than what meets the eye or ears & may not be grasped at first reading or hearing... And a real nut makes statements that do not have any logic...

To review what I have done so far in this BLOG:
-First, I started this BLOG on PP10 & posted the WELCOME greeting
-Second, I posted the Philippine National Anthem lyrics in English (which historically came first!) and in Tagalog. Maybe I shall add in this same posting the correct tune/rhythm/music of the anthem which is MARTIAL MUSIC. It is fast unlike those that are usually played or sung by Filipino starsingers in boxing events. Maybe here in the future or in another BLOG I shall present other NATIONALISTIC anthems of other nations or countries & compare these. I have to admit that our national anthem is 3rd in overall ranking in BEAUTY. Of course, this is a subjective judgment...
-I posted successively different writings of other persons about the heroes & history of this country. I am now moving from the local or national towards the regional & even the international & global level/scene. One cannot really grasp or understand the events in one place if one does not understand the other events in the broader space in which it is situated. Two perspectives must be considered:
TIME & PLACE, History & Geography... As a whole I am trying to present my own meaning or interpretation of the history of this archipelago based on what I have learned & what I believe in (as true).

But there really is only one question that should be kept in mind by the reader: WHAT IS THE TRUTH?- about the Filipinos, the Philippines, its history, etc.

POST NO. CONTENT
-------- -------
0001 WELCOME MAT.
0002 PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM LYRICS
0003 NOSI BAYASI'S SANIPILIP HISTORY
0004 SAKAY MOVIE CLIP DIALOGUE
0005 E.R. SAN JUAN RIZAL ARTICLE
0006 EUGENE HESSEL RIZAL RETRACTION ARTICLE
0007 NOSI BAYASI'S HEBIGAT ISYUS ON
0008 NICK JOAQUIN TAGALOG-PAMPANGAN ARTICLE
0009 MILAGROS GUERRERO BONIFACIO & 1896 ARTICLE
0010 JUMAANI MORO HISTORY
0011 ZABOLOTNAYA ARTICLE ON RUSSIAN TAGALOG STUDIES
0012 DIVIDE & CONQUER ARTICLE
0013 THIS PRESENT POSTING: TABLE OF CONTENTS
0014 TAYO'Y MGA PINOY & BABALIK KA RIN: ART & IDEOLOGY
0015 NAKPIL ON SAKAY
0016 IMPERIALISM & COLONIALISM
0017 MARXISM: TWO ITEMS
0018 LINGGA TWO NATIONS
0019
Pagkatapos ng ilan pang mahalagang POSTINGS ay sunod ko namang tatalakayin ang IMPERYALISMO, KOLONYALISMO,

MARXISMO, DIGMAAN ng PAGPAPALAYA at REBOLUSYON.
Next, I shall tackle IMPERIALISM, COLONIALISM, MARXISM, WARS OF

LIBERATION & REVOLUTION - REVOLUTIONS & REVOLUTIONARIES IN HISTORY,

MARXIST-SOCIALIST REVOLUTION, ISLAMIC REVOLUTION, etcetc.

"A REVOLUTIONIST HAS TO BE A LITTLE LOCO."
-attributed to ERNESTO "CHE" GUEVARA, Latin American REVOLUTIONARY

"GENUINE EDUCATION IS LIBERATING."
"Ang TUNAY na EDUKASYON ay MAPAGPALAYA."
-Nosi Bayasi (sabidaku), LE CHE

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.